Sino ang deserving manalo sa grand finals ng The Clash Season 3?

Sina Fritzie Magpoc, Jennie Gabriel, Renz Robosa, Larnie Cayabyab, Shemee Buenaobra, at Jessica Villarubin ang magtatagisan ng galing sa pagkanta sa grand finals ng The Clash Season 3.

Magaganap ang grand finals sa darating na Linggo, December 20.

Tinanong ng Cabinet Files ang anim kung bakit gusto nilang manalo at bakit may karapatan silang magwagi sa reality competition program ng GMA-7.

Para sa sarili, para sa pamilya, at para sa katuparan ng kanilang mga pangarap ang magkakaparehong sagot ng Top 6 contenders ng The Clash. Pero hindi naman sila nagkopyahan ng kanilang mga sagot.

FRITZIE MAGPOC

Ayon kay Frtizie, "Gusto kong manalo hindi lang para sa pamilya ko kundi para sa sarili ko kasi matagal ko nang pangarap maging isang kilalang mang-aawit.

"Gusto ko rin ipakita na kahit na hindi kataasan ang boses ko at kakaiba ay pwede pa rin makipagsabayan sa nakasanayan na ng mga Pilipino na marinig sa mga ganitong uri ng competition.

"Deserve kong manalo dahil tulad ng lahat ng nasa Top 6, ibinibigay ko po ang lahat ng makakaya ko every performance.

"At wala po akong pakialam kahit pumangit ako or kung ano maging hitsura ko basta makanta ko yung song the way ko siya napi-feel. Gusto kong maramdaman ng audience ang kanta ko."

Naging finalist si Fritzie nang manalo siya sa Clashback round.

JENNIE GABRIEL

Nakilala naman si Jennie bilang kontesera dahil sumali na siya sa iba’t ibang singing competitions sa telebisyon, gaya ng "Tawag ng Tanghalan" sa It's Showtime, pero hindi siya pinapalad tanghaling grand champion.

"Gusto kong manalo para sa pamilya ko at para sa pangarap ko na maging isang sikat na mang-aawit.

"Buong buhay ko, naging mailap sa akin ang manalo sa mga TV competition at hindi po ako titigil hangga't di ko po nararating ang tagumpay na pinapangarap ko at ng mga mahal ko sa buhay.

"Deserve ko po manalo dahil marami pa akong kayang ibigay at ipakita na talento, hindi lamang sa pag-awit," ani Jennie, na nakilala bilang impersonator ni Angel Locsin.

RENZ ROBOSA

Confident namang sabi ni Renz, "Gusto ko pong manalo at deserve ko pong manalo kasi sa tingin ko naging consistent po ako sa lahat ng performances ko at never po ako napunta sa bottom.

"Hinarap ko nang buong tapang ang bawat challenge na ibinato sa amin. Malaking tulong din po sa family ko if ever ako po ang manalo."

LARNIE CAYABYAB

"Gusto at deserve ko na manalo dahil bukod po sa matagal ko nang pangarap ito, pangarap din po ito ng family ko at ng mga taong sumusuporta sa akin.

"Gusto ko pong bigyan ng bagong buhay yung family ko para hindi na kailangan na mag-abroad pa ni Papa at maging buo na po ang aming pamilya.

"Ibinibigay ko po talaga yung buong puso ko sa bawat kanta na pine-perform ko po and I'm happy to share my talent and to tell a story by singing," umaasang sambit ni Larnie.

SHEMEE BUENAOBRA

Ang maipagamot ang kanyang ama ang dahilan na ibinigay ni Shemee kaya may karapatan siya na magwagi sa The Clash Season 3.

Sabi niya, "Gusto ko po talaga na manalo para maipagamot ko si Papa, and I believe na deserve ko na manalo dahil ibinibigay ko ang aking 101% and all my best in every performance."

JESSICA VILLARUBIN

Diretsahan namang sinabi ni Jessica na iniwan nito ang Cebu City para lumuwas sa Quezon City at sumali sa The Clash, sa kabila ng pandemya, para bigyan ng katuparan ang pangarap niya.

"This is my dream. I have travelled all the way from Cebu despite the COVID-19 restrictions and borders just to chase my dreams.

"And now I am here, I will have to finish it the way I wanted to.”"

[ArticleReco:{"articles":["155611","155617","155615","155608"], "widget":"Hot Stories"}]

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Source: pep.ph

Sino ang deserving manalo sa grand finals ng The Clash Season 3?