John Lloyd Cruz slowly getting back to showbiz grind

Tila unti-unti na ang pagbabalik sa showbiz ni John Lloyd Cruz, 37.

Lately ay mas nararamdaman na ang presensiya ng aktor. Malaking posibilidad na hudyat na ito ng kanyang pagbabalik sa industriya.

Tatlong taon ding namahinga si John Lloyd sa showbiz mula nang inanunsiyo ng aktor ang kanyang indefinite leave noong October 2017.

Kamakailan, naging guest si John Lloyd sa Best Talk, ang digital talk show na Cinema One.

Sinagot ni John Lloyd ang mga tanong ng host na si Boy Abunda tungkol sa naging buhay ng aktor na malayo sa spotlight sa nakalipas na tatlong taon.

Nabanggit din ni John Lloyd na bagamat naka-indefinite leave siya, may mga ginawa pa rin siyang paisa-isang proyekto.  

TV SHOW FOR BRIGHTLIGHT

Nitong mga nakalipas na linggo ay bali-balitang magbabalik-showbiz na si John Lloyd.

Patunay nito ang mga social media post na nagpapakita ng pagiging aktibo muli ng aktor sa larangan ng showbiz.

Noong second week of November, nai-post ang larawan ni John Lloyd na nasa opisina ng Brightlight Productions, na pagmamay-ari ni former Negros Occidental Representative Albee Benitez.

Ang Brightlight Productions ay blocktimer sa TV5. Karamihan sa mga tampok na artista sa mga programang ito ay Kapamilya stars.

Sa lumabas na larawan ni John Lloyd, habang nasa office ng production company, makikita sa background si Direk Edgar “Bobot” Mortiz, na kilalang malapit na kaibigan ni John Lloyd.

John Lloyd Cruz Brightlight Productions

Nasulat dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong November 16 na, base sa impormasyong nakalap, isang sitcom ang gagawin ni John Lloyd sa TV5 na ididirek ni Direk Bobot.

Nabanggit na December 2020 ang original plan na pagsisimula ng taping, subalit inatras daw ito ng January 2021.

Noong lamang November 24, napaulat din ang muling pag-uusap nina John Lloyd at Direk Bobot para sa posibleng proyektong pagsasamahan nila.

Pero hindi pa kinumpirma noon ni Direk Bobot kung tuloy na tuloy na ang proyektong ito.

Tila nagiging maingat pa si Direk Bobot tungkol sa nilulutong TV comeback ni John Lloyd.

Ang huling TV project na ginawa ni John Lloyd ay ABS-CBN sitcom na Home Sweetie Home, noong 2017, kung saan si Bobot ang direktor.

Sa verified Facebook account na John Lloyd Cruz, official Facebook fan page ng aktor, may mga larawan ding ipinost na ang caption ay “on location.”

May mga larawan si John Lloyd na kuha sa dalawang magkaibang pagkakataon, pero pareho ang ilan sa mga kasamahan niya sa larawan.

Sa isang kuha, makikitang tila nakasuot ng wig si John Lloyd. 

Pero walang sinabing detalye kung para saan ang “shoot” na ito.

Kamakailan din ay sinabi ng blockbuster director na si Direk Cathy Garcia-Molina na dapat ay isu-shoot na ang reunion movie nina John Lloyd at Bea Alonzo ngayong taon. Subalit naabutan ito ng pandemya, kaya’t kailangan itong ipagpaliban.

Si Direk Cathy ang nagdirek sa maraming blockbuster movies ni John Lloyd.

Pero recently rin ay may mga lumabas na larawan na magkasama sina John Lloyd at Bea.

Bea John Lloyd Reunion

Kamakailan ay nag-guest din si Direk Cathy sa online game show na Game KNB? sa Kumu.

Dito inanunsiyo ni Direk Cathy ang premyo sa kanyang first “campaign” sa Kumu. Ang mananalo raw ay mapapasama sa upcoming movie nina John Lloyd at Bea.

Walang ibang detalyeng sinabi si Direk, pero ang tiyak, matutuloy na ang reunion movie nina John Lloyd at Bea.

Kabilang din sa gagawing pelikula ni John Lloyd ay ang Servando Magdamag na ididirehe ni Lav Diaz. 

Ngayong hapon ng Biyernes, December 4, 2020, inanunsiyong si John Lloyd ang bagong endorser ng isang kilalang watch brand.

Ipinost sa social media ng ABS-CBN entertainment reporter na si Mario Dumaual ang screenshot mula sa upcoming TVC ng aktor.

Ngayong Biyernes daw ang launch kay John Lloyd bilang endorser ng watch brand.

John Lloyd Cruz Swatch

[ArticleReco:{"articles":["155367","155363","155364","155362"], "widget":"Hot Stories"}]

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Source: pep.ph

John Lloyd Cruz slowly getting back to showbiz grind