Kandidata ng France sa Miss Universe 2021, nagpositibo sa COVID-19

Nabawasan ng isa ang makakalaban ni Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez dahil nag-positibo sa COVID-19 si Miss France Clémence Botino.

Iyak nang iyak ang 24-year-old French beauty queen nang malaman nito ang resulta ng COVID-19 test sa kanya dahil malabo ang posibilidad na makalahok siya sa 70th Miss Universe na magaganap sa December 12, 2021 sa Eilat, Israel.

Kabilang ang The Jerusalem Post sa mga media outlet sa Israel na naglabas ng ulat tungkol sa pagdadala kay Botino sa isang government isolation hotel para hindi siya makahawa.

Sinabi ng Miss Universe Organization (MUO) na fully  vaccinated si Botino bago ito bumiyahe papunta sa Israel, pero nagpositibo siya sa COVID-19 nang dumating sa host country ng 70th Miss Universe.

Dahil dito, pinayuhan ang kanyang mga nakasalamuha na mag-isolate para makatiyak na hindi sila nahawa.

Isinara ng Israeli government sa mga dayuhan ang lahat ng borders ng bansa noong Linggo, November 28, bilang pag-iingat laban sa banta ng Omicron, ang bagong variant ng COVID-19 na mas mabilis makahawa.

Pero pinayagan nilang makapasok sa kanilang bansa ang mga opisyal na kandidata ng 70th Miss Universe.

Dumating sa Tel Aviv si Botino noong weekend, at naglabas agad siya ng pahayag sa Instagram nang malaman niya ang kanyang kundisyon.

Mensahe niya: “Hi everyone. I’m writing because I have been crying all day. This morning they called me to say that I was positive. I was shocked and sad, it is truly hard.

“I’m a really positive person and I work really hard, and the past two years have been tough.

“The first thing I did when I heard the news is calling my family. They have been really supportive. It is not easy to deal with all of that while being far from home but MUO is here to help and to take care of me.

“I will keep in touch on social media with you all, telling you how it is going on.

“Even if it is hard, I won’t give up. Life has brought me to Israel and everything is ready. Every situation are supposed to make us stronger.

“Don’t forget to be safe because the virus is still here. Thank you for your support and love. Love you all.”

[instagram:https://www.instagram.com/p/CW32o4Zo7OQ/]

Sinabi ng Miss Universe Organization na mahigpit ang pagpapatupad nila sa mga safety protocol para matiyak ang kaligtasan ng lahat ng may kinalaman sa 70th Miss Universe.

“The Miss Universe competition is under a number of strict COVID-19 protocols and restrictions, developed in accordance with Israeli officials and through best-in-class industry standards.

“We continue to cooperate with the Israeli authorities and will share more information as it is appropriate.”

Source: pep.ph

Kandidata ng France sa Miss Universe 2021, nagpositibo sa COVID-19